Monday, June 16, 2014

I Wish

Everyday text mo lang hinihintay ko. =( Kaso pag nagtetext ka GM lang. Tapos pag sasagutin ko yung gm mo. Minsan ang tagal magreply. Pero ang mas masakit yung hindi talaga nireplyan. T.T

Alam mo SOBRANG umaasa ako na magiging ok ulit tayo. Na maibabalik yung dati. =( NASASAKTAN na din ako sa mga nangyayari. Gabi gabi iniiyakan pa din kita. </3 SANA SANA TALAGA. MAIBALIK PA YUNG DATI. I STILL LOVE YOU MR. CAPTAIN BALL <3 =(

Sunday, June 15, 2014

Present

- MAHAL PA DIN KITA
- KASO MAY GIRLFRIEND KANA =(

Everytime na makikita kita ngayon masaya pero nasasaktan padin ako. Panay ko ngang sinasabi sayo na ang swerte nya kasi nandyan ka at mahal na mahal mo sya. =( (SANA ako nalang sya) Ang swerte nya kasi yung taong mahal ko mahal sya. =( </3 Pero kung saka sakali man naghihintay padin ako. Im still hoping na magkakaroon pa ng 3rd chance para satin. 


-06-15-2014

Sign?

Player ng volleyball kapatid ko. Then I remember summer nun. Nagtetraining sya. First time ko pumunta sa training nya. And then nakita kita. Sabi nila nung araw nalang din na yun yung 1st na pagpunta mo.

Aminado ako. Nung nakita kita. Natuwa ako kasi after a long long time nagkita nanaman tayo. Unexpected! So inisip ko tadhana na yung naglalapit satin. (Feeling ko lang ahh) Feelingera! hahah! Pero seryoso sobrang saya. Hindi ko maexplain yung feelings ko nung nakita ulit kita.

Then one time nalaman ko na may girlfriend kana. Sobrang sakit! =( Kasi alam ko na mahal na mahal mo sya. Nung time na nakatext kita sinabi mo sakin na "Friends nalang muna, kasi hindi mo kayang lokohin girlfriend mo. Kasi mahal mo eh." Alam mo yung naisip ko nung sinabi mo yun. BAKIT NUNG TAYO HINDI MO SINABI KAY AN.... YAN! Siguro nga hindi mo na ako mahal that time. =(

Lost of time T.T

Naging tayo ulit. Mahal din natin ang isa't isa. Pero ang masakit sa sobrang layo ng pagitan natin. Oras at Distansya ang KALABAN =(

Walang oras para sa isat isa kaya nawala nanama. ='( Ang sakit sa puso. =( MAHAL PA DIN TALAGA KITA. T.T

Saturday, June 14, 2014

Second Chance

2 years after nung nangyari eto nanaman. Nagkaroon nanaman tayo ng communication. At sa dumating na nagbalikan. Hindi ko nga alam kung matatawag na balikan yun kasi hindi naman tayo naghiwalay talaga eh. Wala namang Formal Closure. Basta parang kidlat lang. Biglang nandyan tapos mawawala. Oo na! NAGKABALIKAN TAYO! =D =) <3 :) YES! Ang saya ng feeling! Na alam ko na tayo na ulit. (Buko) =) SOBRANG SAYA TALAGA! AS IN SUPER DUPER SA SAYA. <3

Still Into You

Lumipas yung mga araw, taon (?) na hindi na tayo nag-uusap. Yung bigla bigla nalang nawala yung mga bagay bagay. Sabi ko sa sarili ko baka may dahilan kung bakit nagyari yun. Nakahanap ako ng bago pero hindi din tumagal. Iba parin yung pag-mamahal na nararamdaman ko pag sayo na galing. <3 Ang sarap balikan ng mga memories na nangyari noon. Kung pano nagsimula lahat. =)

Friday, June 13, 2014

The Way We Ended?

Closing Party ng batch natin nun. Sobrang saya kasi nga graduate na tayo. Pero mas nakakalungkot yung magkakahiwahiwalay na tayo lalong lalo na magkakalayo na tayo. Kasi ako mag-aaral ako ng High school sa Olongapo and ikaw dito sa Bataan. Distance means a lot.


Hanggang dumating na yung time na tayo pa pero wala ng communication. Masakit man isipin na wala akong alam sa nangyayari sa atin. Hanggang one time mag ma-monthsary tayo nalaman ko na may iba kana. At yung tao na alam mong pinakaseselosan ko pa ang pumalit sa kin dyan sa puso mo. </3 Sobrang SAKIT T.T Yung gabi gabi kang umiiyak kasi hindi mo alam kung bakit nangyari sa inyo yung kung ano yung nagawang mong mali bakit ka nya iniwan. Kung ayaw nya naba sayo. Ganyan yung tumatakbo sa isip ko that time. Almost 1 year din bago ko maka-move on. And pilit ko itinatanong sa sarili ko kung "naka move-on na nga ba talaga ako?"